0% found this document useful (0 votes)
2K views

Filipino7 q2 Mod4 EPIKO-Hinilawod

Uploaded by

ما ري ياه
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
2K views

Filipino7 q2 Mod4 EPIKO-Hinilawod

Uploaded by

ما ري ياه
Copyright
© © All Rights Reserved
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 22

7

Filipino
Ikalawang Markahan: Modyul 4
EPIKO: Hinilawod
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders. Every
effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

JUNIOR HS MODULE DEVELOPMENT TEAM

Authors : Lolita P. Manuntag


Joan Z. Domingo
Joan V. Bailador
Co-Author - Content Editor : Marites M. Ravago
Co-Author - Language Reviewer : Elizabeth M. Evangelista
Co-Author - Illustrator : Charito S. Ebuen
Co-Author - Layout Artist : Maybel B. Cerezo
Co-Author - Team Leader : Carolyn R. Reyes

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Learning Area : Mila D. Calma, Filipino
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Printed in the Philippines by Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
7

Filipino
Ikalawang Markahan: Modyul 4
EPIKO: Hinilawod
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino at Ikapitong Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Epiko: Hinilawod!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

2
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino at Ikapitong Baitang ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Epiko: Hinilawod!

Ang epiko ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang pangkat-


etniko, rehiyon o lalawigan ng bansa. Ito ay isang uri ng panitikang pasalindila.
Nangangahulugang ito ay nailipat o naibahagi sa pamamagitan ng pasalin-saling
pagkukuwento o pagsasalaysay lamang. Isa sa pinakalitaw na katangian ng epiko ay
ang pagkakaroon nito ng mga pangyayaring di kapani-paniwala o puno ng
kababalaghan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.
Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

3
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
Pagyamanin
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung ano ang
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
Isagawa
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.
Susi sa Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

4
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
nakapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo i

5
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang mabigyan ka ng kaalaman


hinggil sa pagsulat ng isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng mga
taga-Bisaya sa kinagisnang kultura na may kaugnayan sa napapanahong isyu o
pangyayari sa ating bansa.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng mga
taga-Bisaya sa kinagisnang kultura
(F7PU-IIg-h-10)

Subukin

A. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot upang mabuo ang mga sumusunod na
pahayag. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang isang mahabang salaysayin na patula na sumasalamin sa kultura ng
isang bansa?

a. Tula
b. Epiko
c. Salaysay

d. Alamat
2. Sa bawat epiko, madalas na ang bida ay namamatay at muling nabubuhay
matapos na malusutan ng mga kaibigan at kapanalig ang ilang mga ___________.

a. pagsubok

b. pakikipagsapalaran
c. pagbubunyi

d. pagkamatay

1
3. Ang lahat ng nasa ibaba ay mga pangyayaring umiikot sa epikong Pilipino
maliban sa pagiging _____________.

a. di-maayos

b. mahiwaga

c. di-kapani-paniwala
d. kababalaghan

4. Ang mga epikong Pilipino ay kumakatawan sa mga mabubuting aral,


paniniwala, tradisyon at ____________.
a. kaugalian

b. layunin

c. pakikipagsapalaran
d. pagmamahalan
5. Ang epiko ay nanggaling sa salitang griyego na epos na may kahulugang
____________.

a. salawikain o awit

b. salaysay

c. tula

d. alamat

6. Anong elemento ng epiko ang tumatalakay sa mga gumaganap sa kuwento?

a. tauhan

b. banghay

c. tagpuan

d. elemento

7. Alin sa mga sumusunod ang maling ideya tungkol sa epiko?

a. Ito ay nagmula sa salitang “ epos ”

b. Orihinal itong nagmula sa anyong patula

c. Isinasalaysay nito ang kabayanihan ng lahat ng tauhan

d. Ang pangunahing tauhan ay may natatanging lakas at di-pangkaraniwang


kakayahan.

8. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan?

a. Tumatalakay sa reyalidad ng buhay upang maging gabay sa tao.

2
b. Kathang-isip na pumapaksa kung paano malalampasan ang anumang pagsubok
sa buhay.

c. Pasalindilang tradisyon tungkol sa pangyayaring supernatural o kabayanihan ng


isang nilalang.

d. Ito’y kwento tungkol sa mga Bathala tungkol sa paglikha sa daigdig.

B. Panuto: Batay sa akdang Epiko ng Hinilawod, ibigay ang kasagutang hinihingi


sa bawat bilang.

9. Mula sa kwentong epiko, ilan ang naging anak ni Reyna Alunsina at Datu
Paubari?
a. dalawa
b. tatlo
c. apat
d. lima
10. Ano-ano ang pangalan ng tatlong sanggol na isinilang ni Reyna Alunsina?
a. Labaw Donggon, Bungot-Banwa, Dumalapdap
b. Labaw Donggon, Humadapnon, Dumalapdap
c. Labaw Donggon,Angoy Gitbitinan, Dumalapdap
d. Labaw Donggon, Humadapnon, Asu Mangga

11. Sa mga magkakapatid, sino ang nagpakita ng interes sa magagandang babae?


a. Dumalapdap
b. Humadapnon
c. Labaw Donggon
d. Bungot-Banwa
12. Ano ang hininging kondisyon ng hari upang pumayag na ipakasal ang
kanyang anak na dalaga kay Labaw Donggon?
a. akyatin ang bundok
b. ipaggawa ng bahay ang hari
c. hanapin ang nawawalang kapatid ng dalaga
d. patayin ang halimaw
13. Ilan ang babaeng naibigan ni Labaw Donggon?
a. 1 (isa)
b. 2 (dalawa)
c. 3 (tatlo)
d. 4 (apat)
14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng isang epiko?
a. naglalaman ng aral ng kabayanihan
b. pakikidigma at paggapi sa kalaban ang takbo ng pangyayari.
c. nagpapakita ng agwat sa pagitan ng tao at diyos
d. seryoso at makatwirang pangyayari ang itinatampok
15. Gaano kahalaga ang pag-aaral ng epiko sa Pilipinas?
a. upang mabigyan ng pagkakataon na malaman ang iba’t ibang tradisyon
b. upang malaman ang ginawang kabayanihan ng isang tauhan
c. upang magkaroon ng libangan
d. upang ipagmalaki ang nagawang kabayanihan

3
Balikan

Halina’t ating pagmasdan ang mga larawang nasa ibaba.

A. Panuto: Kilalanin ang iba’t ibang tradisyunal na pagdiriwang ng mga


Kabisayaan.Pumili ng sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba. Isulat ang mga
ito sa iyong sagutang papel.

Ati-Atihan Festival
Moriones Festival
Maskara Festival
Sinulog Festival
Pintados Festival

1. _______________________ 2. ________________________ 3.
_________________________

4. _______________________ 5. _________________________

4
B. Panuto: Mula sa mga tradisyunal na pagdiriwang na nasa itaas. Sagutin mo ang
sumusunod na mga tanong. (5 puntos)

1. Ilahad ang iyong sariling interpretasyon tungkol sa limang (5) tradisyunal na

pagdiriwang na nasa larawan.

2. Sa iyong palagay, nakakatulong ba sa ekonomiya at pamumuhay ng mga


bisaya ang mga tradisyunal na pagdiriwang na ito? Bakit?

3. Bilang mag-aaral, bakit mahalagang malaman mo ang mga tradisyunal na


pagdiriwang sa iba’t ibang lugar ng Bisaya?

Tuklasin

Mahusay! Natapos mo ang iyong mga gawain. Nais kong maunawaan mo


ang kahalagahan ng Epiko sa pagpapalaganap ng panitikan bilang hanguan ng
mga minanang tradisyon. Halina’t basahin natin ang epiko ng mga taga-Bisaya.

5
Masining na Pagbasa
Hinilawod
(Epiko ng mga Bisaya)
Ipinag-utos ni Kaptan, ang hari ng mga diyos at diyosa na ang magandang
diwatang si Alunsina ay ikasal pagsapit niya sa edad ng pagdadalaga. Maraming
makikisig na diyos sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang naghangad sa kaniyang
kamay subalit silang lahat ay nabigo dahil si Alunsina ay umibig at nagpakasal sa
isang mortal na si Datu Paubari, ang pinuno ng Halawod.
Dahil dito’y nagalit ang mga manliligaw ni Alunsina at nagkaisa silang gantihan
ang bagong kasal. Binalak nilang sirain ang Halawod sa pamamagitan ng isang
malaking baha. Mabuti na lamang at nalaman ni Suklang Malayon, kapatid ni
Alunsina ang maitim na balak ng mga nabigong manliligaw kaya’t ang magkabiyak ay
nakatakas patungo sa isang mataas na lugar kaya’t sila’y nakaligtas sa baha. Bumalik
lang sila nang napawi na ang baha. Tahimik silang nanirahan sa bukana ng Ilog
Halawod.
Pagkalipas ng ilang buwan ay nagsilang ng tatlong malulusog na sanggol na
lalaki si Alunsina. Labis-labis ang kaligayahan ng mag-asawa sa Pagdating ng kanilang
mumunting biyaya. Pinangalanan nilang Labaw Donggon, Humadapnon, at
Dumalapdap ang tatlong sanggol. Ipinatawag nila agad si Bungot-Banwa, ang
iginagalang na pari ng kanilang lahi upang isagawa ang ritwal na magdudulot ng
mabuting kalusugan sa tatlo. Nagsunog si Bungot-Banwa ng talbos ng halamang
alanghiran na sinamahan niya ng kamangyan at saka inialay sa isang altar.
Pagkatapos ay binuksan niya ang bintana at sa pagpasok ng malamig na hangin mula
sa hilaga, ang tatlong sanggol ay biglang naging malakas at makikisig na binata.
*Ang Pakikipagsapalaran ng Panganay na si Labaw Donggon*
Sa tatlong magkakapatid, si Labaw Donggon ang nagpakita ng interes sa
magagandang babae. Nang marinig niyang may isang magandang babaeng
nagngangalang Angoy Ginbitinan mula sa bayan ng Handug ay nagpaalam agad siya
sa ina upang hanapin ang dalaga. Pagkalipas ng ilang araw na paglalakbay sa mga
kapatagan, kabundukan, at mga lambak ay narating din niya ang Handug. Kinausap
niya ang ama ng dalaga upang hingin ang kamay ng anak. Sinabi ng ama na papayag
lamang siyang makasal ang anak na si Angoy Ginbitinan kay Labaw Donggon kung
mapapatay niya ang halimaw na si Manalintad. Agad pinuntahan ni Labaw Donggon
ang halimaw at nakipaglaban siya rito. Napatay niya ang halimaw at ibinigay ang
pinutol na buntot nito sa ama ni Angoy Ginbitinan bilang patunay ng kanyang
tagumpay. Ikinatuwa ito ng ama kaya’t pumayag siyang ipakasal ang anak kay Labaw
Donggon. Pagkatapos ng kasal ay naglakbay ang dalawa pagbalik sa tahanan nina
Labaw Donggon.
Sa kanilang paglalakbay ay may nasalubong silang mga binata na nag-uusap-
usap tungkol sa isang

6
napakagandang dalagang nagngangalang Abyang Durunuun na nakatira sa
Tarambang Burok. Narinig niya mula sa usapan ng mga binata na sila’y papunta sa
tirahan ng dalaga upang manligaw sa kanya. Naging interesado sa narinig si Labaw
Donggon kaya naman Pagkalipas lang ng ilang linggong pagsasama ay inihabilin niya
ang bagong asawa sa inang si Alunsina at siya’y naglakbay na patungo sa Tarambang
Burok upang suyuin si Abyang Durunuun. Nagtagumpay si Labaw Donggon na
mapaibig ang napakagandang si Abyang Durunuun.
Subalit hindi pa roon nagtapos ang kanyang paghahanap ng mapapangasawa
sapagkat pagkalipas ng ilang panahon nabalitaan na naman niyang may isa pang
napakagandang babae, si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata na asawa ni Buyong
Saragnayan, ang diyos ng kadiliman. Nais din niyang mapangasawa ito. Sinabi ni
Doronggon ang kanyang balak sa dalawang asawa. Ayaw man nila, wala naman silang
nagawa.
Sumakay si Labaw Donggon sa isang inagta o itim na Bangka at naglayag sa
malalawak na karagatan patungong Gadlum. Naglakbay rin siya sa malalayong
kaulapan at sa mga batuhan hanggang sa marating niya ang Tulogmatian, ang
tahanan ni Buyong Saragnayan. Agad siyang hinarap ni Saragnayan at tinanong kung
ano ang kanyang kailangan. Sinabi niyang gusto niyang mapangasawa si Nagmalitong
Yawa Sinagmaling Diwata. Pinagtawanan ng diyos ng kadiliman si Labaw Donggon at
sinabing imposible ang hinahangad nito dahil asawa na niya ang diwata.
Subalit hindi basta sumuko si Labaw Donggon. Hinamon niya sa isang labanan
si Saragnayan at sila’y naglaban sa loob ng maraming taon. Inilubog ni Labaw
Donggon ang ulo ni Saragnayan sa tubig sa loob ng pitong taon subalit hindi niya pa
rin napatay ang diyos ng kadiliman. Binayo niya nang binayo subalit hindi rin niya ito
nagapi. Sa pamamagitan ng pamlang o anting-anting ni Saragnayan ay natalo niya ang
noo’y nanghihina at pagod na pagod nang si Labaw Donggon. Ibinilanggo niya si Labaw
Donggon sa isang kulungan sa ilalim ng kanyang tahanan.
Samantala, kapwa nanganak ang dalawang asawa ni Labaw Donggon. Parehong
lalaki ang naging anak nila. Ang anak ni Angoy Ginbitinan ay tinawag niyang Asu
Mangga samantalang ang anak ni Abyang Durunuun ay pinangalanang Abyang
Baranugon. Nakapagsalita at nakatindig agad ang mga bata. Hinanap nila kapwa ang
kanilang ama.
Sa kanilang paghahanap ay nagkasalubong ang magkapatid sa karagatan.
Naglalakad sa ibabaw ng tubig si Baranugon at lulan naman ng Bangka si Asu
Mangga. Napag-alaman nilang kapwa nila hinahanap ang amang mahilig sa
magagandang babae. Naglakbay sila patungong Tulogmatian kung saan nila nalaman
ang ginawa ni Saragnayan sa kanilang ama. Sinabihan nila itong pakawalan ang
kanilang ama. Pinagtawanan lamang ni Saragnayan ang sinabi ng mga anak ni Labaw
Donggon kaya’t hinamon siya ng mga ito sa isang labanan. Buong tapang na
nakipaglaban ang magkapatid kay Saragnayan. Ngunit napakahusay ni Saragnayan
kaya’t hindi nila ito matalo-talo. Bumalik si Baranugon sa kanilang lolang si Abyang
Alunsina upang sumangguni. Dito niya nalamang ang kapangyarihan pala ni
Saragnayan ay nakatago sa isang baboy-ramo. Mapapatay lamang daw si Saragnayan
kapag napatay ang baboy-ramong kinatataguan ng kanyang hininga. Sa tulong ng
taglay nilang anting-anting ay natagpuan at napatay ng magkapatid ang baboy-ramo.
Sa pagkamatay ng baboy-ramo ay nanghina si Saragnayan kaya’t madali na siyang
napatay ng palaso ni Baranugon. Gayunma’y hindi rin nila nakita ang ama sa
bilangguan nito. Maging ang mga tiyo nilang sina Humadapnon at Dumalapdap ay
tumulong na rin sa paghahanap kay Labaw Donggon. Pagkalipas ng mahabang
panahon ng paghahanap, natagpuan din nila ang ama sa loob ng isang lambat na nasa
may pampang malapit sa bahay ng asawa ni Saragnayan.
Subalit wala na ang dating kakisigan at kagitingan ni Labaw Donggon. Nawala
ito dahil sa matagal na pagkakakulong nang dahil sa labis na paghahangad sa
magaganda, kahit na may asawa nang babae. Naibalik ng magkapatid sa kanilang

7
tahanan si Donggon subalit hindi pa rin nawala ang pagnanais nitong makahanap
pang muli ng magandang mapapangasawa. Ikinagalit ito ng kanyang dalawang asawa
subalit ipinaliwanag niyang pantay-pantay ang gagawin niyang pagmamahal sa
kanyang mga asawa. Ipinagdasal ng dalawang babaeng nagmamahal sa kanya na
muling lumakas si Donggon. Hindi nga nagtagal ay muling nagbalik ang kakisigan at
lakas ni Labaw Donggon.

Ang isa sa katangian ng epiko ay ang pagkakaroon ng mga kababalaghan o hindi


karaniwang pangyayari.

Panuto: Suriin kung alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kababalaghan at


kung alin ang nagpapakita ng karaniwang pangyayari na maaaring maganap sa
tunay na buhay. Isulat ang salitang Kababalaghan o Karaniwan. Sagutan ito sa
iyong papel.

1. Ang isang diwatang tulad ni Alunsina ay nagpakasal sa mortal na tulad ni Datu


Paubari.

2. Hinanap ng mga anak ang nawawala nilang ama.

3. Nagsilang si Alunsina ng tatlong malulusog na lalaki.

4. Ang tatlong sanggol na lalaki ay agad naging makikisig na binata nang mahipan
ng hangin mula sa hilaga.

5. Iniwan muna ng lalaki ang kanyang asawa sa kanyang ina.

8
Pagyamanin

Magaling! Mas lalo pa nating payabungin ang inyong kaalaman


batay sa akda. Simula sa kanyang napagdaanan na mga pagsubok, natutuhan at
nagpatatag ito sa pangunahing tauhan upang makamit ang hinahangad sa buhay.
Ngayon naman ay kilalanin pa natin ang mga tauhan.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Sagutan ito sa iyong sagutang
papel.

1. Sa anong uri ng pamilya nagmula ang magkakapatid na sina Labaw Donggon,


Humadapnon at Dumalapdap?

2. Kung may kahinaan man o hindi magandang ugali ay may mabubuting


katangian din si Labaw Donggon. Ano ang isa sa mga katangian niya ang
hinahangaan mo? Bakit?

3. Sa iyong palagay, nararapat lang ba ang ipinakitang pagmamahal at


pagmamalasakit ng mga kapamilya kay Labaw Donggon sa kabila ng kanyang mga
pagkakamali? Bakit?

9
Isaisip

Sa pamamagitan ng venn diagram. Maglahad ka ng tatlong kinagisnang


kultura ng mga taga-Bisaya mula sa epikong binasa at maglahad ka rin ng tatlong
kultura na iyong kinagisnan mula sa iyong lugar na kinabibilangan. At sa gitna
naman ay ilahad ang pagkakapareho ng kinagisnang kultura ng taga-Bisaya at ng
kulturang kinagisnan mo sa iyong bayan. Gawin ito sa iyong papel.

Pagkakapareho ng
kinagisnang kultura
ng taga-Bisaya at ng
Mga Kinagisnang kinagisnang kultura sa Mga Kinagisgang
Kultura ng taga-Bisaya 1. ko
Bayan kultura sa Bayan ko

1.
1. 2. 1.

3.
2. 2.

3. 3.

10
Isagawa

Ipinakita sa akdang iyong binasa ang pagdadamayan ng pamilya. Kahit pa


ang sarili nating desisyon ang nagdala sa mahirap na kalagayan ay hindi pa rin
tayo pinabayaan ng mga kapamilya sa oras ng pangangailangan. Ikaw, bilang isang
anak ano ang nararapat mong gawin para ipakita ang iyong pagmamahal at
suporta kahit may mga pagkukulang o pagkakamali ang iyong kapamilya? Sagutan
ito sa iyong papel.

Tayahin

Sumulat ng isang tekstong naglalahad ng kultura ng mga taga-Bisaya.


Gamitin ang mga gabay na tanong upang makabuo nito. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.

1. Paano pinahahalagahan ng mga Bisaya ang kanilang magulang?

2. Paano nila ipinakikita ang pagmamahal at paggalang sa kapamilya, may


pagkukulang man o wala?

3. Ano-ano ang bahagi ng kanilang kultura ang nananatili at isinasagawa pa rin


hanggang ngayon?

11
Karagdagang Gawain

Para sa iyong huling gawain, hingin ang tulong ng iyong magulang at iba
pang miyembro ng iyong pamilya at magsaliksik kayo ng isang epiko. Basahin ito
at sumulat ng tekstong naglalahad ukol sa pagpapahalaga nila sa kanilang
kultura. Isulat ang iyong teksto sa isang buong papel.

RUBRIKS SA PAGWAWASTO

Pamantayan Kahanga- Mahusay Magaling Pagbutihin Marka


hanga pa
(5puntos) (4na (3 puntos)
puntos) (2 puntos)

Kaisahan at
pagkakaugnay-
ugnay

Nasasalamin
ang
pagpapahalaga
ng mga tao sa
kanilang
kinagisnang
kultura

Malinis at
maayos ang
pagkakasulat,
makikita ang
pagsisikap na
maging
mahusay ang
ipinasa.

12
13
Tayahin Isaisip
Ito ay depende sa sagot ng bata at dapat ay angkop ang 1. Ikasal ang dalaga sa pagsapit niya sa
tekstong gagawin mula sa mga tanong. edad ng pagdadalaga
2. Ang pari ay nagbibigay ng ritwal para sa
mabuting kalusugan ng sanggol
Karagdagang Gawain
3. Tinutulungan ang pamilyang
Depende sa sagot ng bata. nangangailangan
Isagawa
Depende sa sagot ng bata.
Balikan Subukin
A, Pagyamanin I.
1. Moriones Festival 1. Mula sa pamilya ng 1. b 11. c
Diwata at Mortal.
2. a 12. d
2. Maskara Festival 2. Depende sa sagot ng
bata. 3. a 13. c
3. Pintados Festival 3. Depende sa sagot ng 4. c 1 4. d
bata.
5. a 15. a
4. Ati Atihan Festival
6. a
5. Sinulog Festival
7. b
B. Depende sa sagot ng bata at dapat ay angkop sa
tanong ang sagot. 8. a
Suriin 9. b
1. Kababalaghan 10.b
2. Karaniwan
3. Karaniwan
4. Kababalaghan
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Baisa- Julian, Aileen G., Carmela H. Esguerra, Nestor S. Lontoc. Pinagyamang
Pluma 7 (Alisunod sa K to 12 Curriculum). 144-148, 927 Quezon Ave., Quezon
City,Philippines: PHOENIX PUBLISHING HOUSE, INC.2015

Baisa-Julian, Ailene G., Carmela H. Esguerra, Nestor S. Lontoc. Pinagyamang


Pluma 7 (Alinsunod sa Kto12 Curriculum), 256-259, 927 Quezon Ave., Quezon
City, Philippines: PHOENIX PUBLISHING HOUSE, INC, 2015

Elektronikong Sanggunian

"Google". 2020. Google.Co.Uk. http://www.google.co.uk/webhp.

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like